It's been quite sometime that political ads A.K.A infomercials are running on our national TVs. Different formats, different gimmicks but the only purpose is, for them to be recognize, so as to gain popularity and get more voters for them in the coming election. As I observe those infomercials, the main agenda or common plot is always poverty, that they came from the poorest of the poor then rose to fame and fortune. They keep on claiming the rugs to riches story as to make it feel that they're one of those poor pinoys who are experiencing how helpless and how hard it is to live in this country. (Siguro mas maganda kung itagalog ko na lang ito para mas maconvey ko ang aking opinion). Para sakin lang po, hindi sapat ng dahilan ang pagiging mahirap dati para maramdaman ang pangangailangan ng ating mga kababayang mahirap. Hindi kailangan nakatulog tayo sa kalye para malaman naten na kelangan ng mga kapababayan naten ang pabahay. Hindi rin kelangan maligo muna tayo sa maduming tubig para malaman naten na kelangan ng mga kababayan naten ang malinis na tubig. Sentitivities to people's needs does not necessarily mean having to experience those things. Kasi kung ang rason pala para maramdaman naten ang lahat ng bagay eh yung maexperience sya eh di ibig sabihin para malaman ng isang tao na masakit ang mapaso ng apoy kelangan muna nating masunog? Or pano yung mga rape victim na humihingi ng katarungan, kelangan mo bang marape muna para maramdaman yung sakit at hirap na dinanas nila, di ba hindi naman? Hindi ba mas nakakatuwang isipin na yung mga taong hindi nakaranas ng ganung hirap eh sya pa ang mas sensitibo sa pagtulong sa kanila. Mga taong hindi man naging salat sa buhay pero buong pusong tumutulong at tumutugon sa pangangailangan ng mga mahihirap nating kababayan. Hindi ba mas masarap na yung ginagastos sa mga kabikabilang infomercials para ipagsabi na galing sila sa hirap eh itulong na lang sa mga mahihirap. Hindi ba kung totoong galing ka sa hirap eh manghihinayang kang gastusin ang pinaghirapan mong pera para lang ipagsabi ang mga sinasabi mong accomplishments. Kasi ang totoong mahirap at pinaghirapan ang tinamasang yaman eh manghihinayang gumastos sa mga bagay na hindi naman naaayon sa imeediate na pangangailangan (subalit siguro nga masyado lang sobrang ang mga kayamanan nila). Para po sa akin, yes it's a plus point that you've experienced those things to know how it really feels, because you have hands on experience on the matter, but we cannot also categorically deny that those who did not experienced those things are not sensitive enough to feel for them. Our less fortunate people don't only need people who have been there, but people who may not been there but have sensible heart to understand how they felt and are sincere to help them uplift their situation. Hindi naten kelangan maging mahirap para malaman kung ano ang paghihirap na dinadanas ng ating mga kababayan. ang kelangan lang eh may puso kang tutugon at didinig sa kanilang pangangailangan.
This is just an opinion...
****************************************************
"Aanhin mo ang galing sa hirap na kung gumastos naman ay parang wala nang bukas"
No comments:
Post a Comment